Saturday, May 30, 2009

Stick to one ako, kaso ikaw hindi.


nabasa ko lang to sa story na " a cheater vs a man-hater". according dun sa nagsulat ng story, nabasa lang din daw nia toh sa blog ng friend nia. wala lang. natatawa lang ako kaya pinost ko dito. wahaha! :D


Title: Stick to one ako, kaso ikaw hindi. (Bato bato sa langit, Tamaan sapul.)
--------------------------------------------------------------------------------

STICK TO ONE. Masarap makilala as stick to one, try niyo maging, one of the best compliments ever!

#1 Kapag ikaw, may pagtingin ka pa sa ex mo, wag ka munang magpaka-attach sa panibago. Automatic REBOUND ang bago mo! Utang na loob! Alam mo yung 3-month rule? USO YUN! Sa 3 months na yun try mong maging SINGLE.. Yung as in wala ka munang kiber sa kahit na sinong opposite sex, may commitment man o wala basta putangina 3-month rule sabi eh!
Okay sabihin na nating wala ka nang pagtingin, pero gusto mo pang pagtripan, papampam ka, tantanan mo na siya lalo na kung ikaw naman ang dahilan ng break up ninyo. Tapos may bago ka na, o kaya may bago na siya, basta nagmmove on na ang isa. Spell the word H-I-Y-A!


#2 BEST FRIEND. BES. BEST. BESZ. BEZ. BESH. PUTANGINA WHATEVER YOU CALL IT. There's no such thing as best friend. Oh walang kokontra, applicable lang naman to sa mga taong alam na ngang may malisya sa kanilang sariling so-called best friend ayaw pang aminin kahit mismo sa sarili nila. Apir tayo kung may kilala kang ganito ang sitwasyon! Ganito kasi yan, si girl at si boy may sari-sarili silang jowa, pareho silang committed kaya dinadaan nila sa BES !#$% para hindi halata. Hainako ang dami kong kilalang ganito! Kung alam niyo lang, yung mga jowa niyo maytinatagong selos sa mga bes niyo! HAHAHAHA. Hindi sila tanga, nakakaramdam sila. DUH.

#3 SAMANTALAHIN ANG BAWAT PAGKAKATAON. GRAB EVERY OPPORTUNITY. Hay nako marami din akong alam na ganitong kwento ng buhay! Pareho silang committed, kaya naman kapag may pagkakataon silang makawala sa mga jowa nila, magkikita at magkikita yang dalawang yan tapos magdedate, magmomoment, magffeeling magjowa, and all that. Pwede ring isa lang ang committed sa kanila, basta bawat pagkakataon di nila palalampasin yan pramis!

#4 INUMAN. "Bhe, lasing lang ako." !#$% YOU! Isa pa, !#$% YOU! Ieexplain ko pa ba to? Sige sige. (Sabi to ni Kambal:) In my YEARS of drinking alcohol, I've tried many kinds of alcoholic beverages. DUDE, kahit may amats ka alam ko at alam mong imposible na 0% ang awareness mo sa pinaggagagawa mo. There's still something inside of you na alam na mali ang gagawin mo pero dahil psychologically speaking, iniisip mong nakainom ka, kaya GO KA LANG! In the first place, hindi ka rin dapat nakikipag-inuman sa kung kani-kanino lalo sa mga HOT. Or else gusto mong patayin sa nerbyos at pag-aalala ang jowa mo.
Para sa mga lalaki, "Lalaki ako, I have my needs!". LINTEK KA, hindi girlfriend ang kailangan mo. SEX is one of the biggest aspects in cheating. Oh well, pwede rin pala sa mga babae ito. Ganun na ang henerasyon natin ngayon.


#5 LIWALIW. You're just having fun, when the cat is away, the mouse will play. Mahal mo siya kapag nandyan siya, kapag hindi mo siya kasama automatic single ka. Parang ayaw mong palampasin lahat nang isda sa dagat.

BITTER NA KUNG BITTER.
I HATE YOU LIKE HELL CHEATER!
BLOG KO 'TO!Mkay??


-- ayan na yun. haha!

No comments:

Post a Comment